Sabado, Agosto 26, 2017

Kaakit-akit na Ganda ng Mayon Volcano

               





 Isa sa ipinagmamalaki ng Pilipinas ay ang kakaiba at kamangha-manghang ganda ng Mayon Volcano ngunit paano nga ba ito nagsimulang makaakit ng interes sa mga dayuhan? Maging ng mga kapwa Pilipino? At paano nga ba ito nakilala at naging tanyag sa loob at labas ng bansa?
     
  Ang Mayon Volcano ay matatagpuan sa kapuluan ng Luzon sa lalawigan ng Albay. Kilala ito sa perpektong hugis apa nito. Itinuturing na isang kayamanan ang pagkakaroon ng tanyag at kilalang bulkan sa bansa kaya hindi nakapagtatakang isa ito sa "tourist attraction" na maipagmamalaki sa karatig bansa. Tinatayang nasa 2,463 metro ang taas nito o katumbas ng halos 8,077 talampakan. Ngunit maituturing na isa sa pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas ang Mayon dahil mayroon na itong mahigit kumulang na 47 na pagsabog na naitala simula pa noong 1616 at hanggang sa kasalukuyang panahon. Gayunpaman, hindi alintana ng karamihan na ito ay isang mapanganib sapagkat ang tinatagong ganda ng Mayon ay sadya namang nakahuhumaling at kung minsa'y nakalilimot ng problema sa tuwing ito'y pagmamasdan. Base sa aking sariling karanasan, ang Mayon Volcano ay sadyang dinarayo ng karamihan dahil sa perpektong hugis nito. At bukod doon ay kilala rin ang Bell Tower na makikita sa larawan. Ayon sa karamihan, ang pag-agos ng lava at lahar ang naging sanhi ng paglubog ng simbahan gayundin ang pagsabog ng maraming beses ng Bulkang Mayon para matabunan ito at ang tanging natira lamang ay ang bahagi ng simbahan na kung saan nakalagay ang bell nito.
      
Paminsan-minsan ay hindi masamang maglakbay at aliwin ang sarili lalo na't kung kasama ang mga mahal natin sa buhay. Isa ito sa magandang karanasan na hindi ko malilimutan at habang buhay ng nakatatak ang namutawing alaala sa aking isipan at patuloy ko itong babaunin hanggang sa aking pagtanda. Mananatili at mananatili ang saya na naidulot nito sa aking buhay simula noong ako'y unang naglakbay sa kahali-halina at kaakit-akit na ganda ng Bulkang Mayon.
       































    Walang komento:

    Mag-post ng isang Komento